Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaki ang magagawa ng private financiers at investors para makatulong sa mga maliliit na businessmen na lumago ang kanilang negosyo.
Ayon Kay Pangulong Marcos, may papel na gagampanan dito ang Department of Trade and Industry (DTI) upang makapaglatag ng sistema para sa partnership ng maliliit na negosyante at mamumuhunan.
Sinabi ng Pangulo na ang sistemang dapat na mabuo ay koneksiyong magbibigay sa mga maliliit na negosyo ng impormayong kailangan nito para mapalawak ang kanilang kalakal sa tulong na din ng nasa pribadong sektor.
Isa na rito ayon sa punong ehekutibo ang maipakilala sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang digital world na aniyay magsisilbing daan para makakonekta sa mga pribadong kumpanya at makamit ang kailangang suporta.
Una na ding nabanggit ng Pangulong Marcos sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang commitment para makipag-tulungan sa lahat ng stakeholders matiyak lang na protektado ang mga maliliit na negosyante at maibigay ang oportunidad sa mga ito.