Pansamantala umano munang titigil ang Archdiocese of Manila sa pagsasagawa ng anumang mga religious activities sa kanilang mga simbahan at shrine mula Agosto 3 hanggang 14.
Sinabi ni Apostolic Administrator Broderick Pabillo, ito ay bilang tugon sa panawagan ng medical community na ibalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine measures.
“We share the compassion of our medical front liners for the many sick people being brought to our hospitals,” saad ni Pabillo sa isang pastoral instruction. “So we support their appeal for a ‘time out.'”
Gayunman, nilinaw ni Pabillo na magpapatuloy pa rin ang ginagawa nilang mga online activities.
Sakop ng Archdiocese ang mga simbahan sa lungsod ng Maynila, maging sa kalapit na mga lalawigan tulad ng Rizal, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Bataan, Zambales at Mindoro.
Una rito, nanawagan ang mga health professionals sa gobyerno na magdeklara ng dalawang linggong enhanced community quarantie sa Kalakhang Maynila dahil sa labis na kapagurang nararanasan ng mga medical practitioners dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.