-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naka-uniporme pa nang maaresto ng otoridad ang isang Grade 8 public school teacher sa General Santos na tulak umano ng iligal na droga.

Kinilala ang naarestong si Exequil Laurente Jr., 38, residente ng Brgy. Lagao.

Ayon kay police Maj. Tirso Pascual ng City Drug Enforcement Unit, matagal na nilang minamanmanan ang kilos ng naturang guro.

Batay sa ulat, nagkakahalaga ng P1,000 ang 10 pinaghihinalaang illegal drugs ang nakuha kay Laurente sa ilalim ng buy bust operation.

Ani Pascual, posibleng mga estudyante ang parokyano ng suspek.