BUTUAN CITY – Nasampahan na ng kaso ang isang guro matapos itong nakunan ng illegal na droga sa implementasyon ng search warrant kahapon ng tanghali sa pamamahay nito sa Purok-2, Barangay Rojales, bayan ng Carmen, Agusan Del Norte.
Nakilala ang suspek na si Ornille Rojales Natonton, miyembro ng LGBT, 42-anyos at kasalukuyang nagtuturo sa Carmen National High School.
Sa inilusad na illegal drug operation sa Carmen Municipal Police Station, nakunan ang guro ng 4 na sachet na may lamang suspected shabu at mga illegal drug paraphernalia.
Base sa pahayag sa pulisya, namonitor nilang gumagamit at nagbibinta ng shabu ang nasabing suspek na dati nang na-rehab.
Aminado umano ang suspek na sa kaniya ang nakuhang mga illegal drugs. Sa ngayon ay nasa kustudiya na sa Carmen Municipal Police Station ang suspek para sa tamang disposasyon.