-- Advertisements --
Makakatanggap na ang mga public school teacher ng karagdagang P10,000 allowance kasunod ng approval sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act no. 11997 or the Kabalikat sa Pagtuturo Law.
Ang naturang batas ang nagmamandato sa naturang cash allowance.
Sa ilalim ng naturang batas, regular na ang mga pagbibigay ng P10,000 allowance sa mga guro ng pampublikong paaralan.
Simula sa susunod na taon, matatanggap nila ito at magagamit para sa pagbili ng tangible at intangible teaching supplies at teaching materials.
Magagamit din ito bilang bayad sa incidental fee, at para sa implementasyon at pagsasagawa ng iba’t-ibang mode of learning depende sa pangangailangan ng mga eskwelahan.