-- Advertisements --
Makatatanggap umano ng P3,500 na cash allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan ngayong Hunyo.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Annalyn Sevilla, target nilang ilabas ang allowance sa ikalawang linggo ng buwan.
“Meron pong cash allowance ang mga teachers. This is an additional benefit. It’s budgeted. It’s ready for release. We are just waiting for the guidelines on the use of the cash allowance,” wika ni Sevilla.
Paliwanag ng opisyal, magagamit ang one-time cash allowance para sa lahat ng gastusing may kaugnayan sa pagtuturo.
Una nang inilabas ng kagawaran ang calendar para sa susunod na school year kung saan nakatakdang magbukas ang mga klase sa Agosto 24.