Lumabas sa report ng think tank na ang public transportation at rban mobility readiness sa Pilipinas ay kabilang sa pinakamasama sa mundo.
Kabilang sa 60 global cities na sinuri sa 2022 Urban Mobility Readiness Index, nakuha ng Maynila 58 spot sa urban mobility readiness, ika-56 ito sa public transit system, at ika-48 sa sustainable mobility.
Ang mga lungsod ay nasuri batay sa kanilang kahandaan para sa future mobility disruptors, na isinasaalang-alang kung paano pinamamahalaan at ginagamit ang mga sistema ng pampublikong transportasyon, at kung anong mga pagsisikap ang ginagawa upang makabuo ng mas napapanatiling mobility ecosystem.
Napag-alaman ng think tank ang ilang mga paraan ng transportasyon na magagamit para sa mga commuter sa Maynila, kabilang ang mga jeepney at metro lines.
Binanggit pa ng ulat na ang active mobility sa mga lansangan ng Maynila ay pinalalakas sa pamamagitan ng “permissive transit rules sa mga bisikleta, pati na rin ang makabuluhang imprastraktura sa pagbibisikleta.”
Binigyang-diin din sa report ang mga hamon na kinakaharap ng road transport sa Maynila, partikular na ang “mahinang kalidad ng mga kalsada sa metropolitan area at ang limitadong regional connectivity na ibinibigay ng national road network.”