-- Advertisements --

Malinaw nang natukoy ang mga negosyong itinuturing na public utilities at mananatiling saklaw ng mga restrictions sa foreign capital nakasaad sa Kontitusyon.

Ito ay nakabatay sa nilagdaang bagong batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aamyenda sa Public Service Act (PSA).

Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra, ito ay ang mga electricity transmission and distribution, petroleum pipeline transmission, water and sewerage pipeline distribution, seaports, and PUVs (public utility vehicles).

Aniya ang foreign ownership ng mga ito ay patuloy na lilimitahan ng Konstitusyon sa hanggang 40% na maximum foreign capital, habang ang iba namang public service industries ay magiging libre kung saan ay mapapahintulutang umabot hanggang 100% ang foreign capital ng mga ito.

Sa ilalim ng in-amyendahang PSA ay ikokonsidera na bilang public service ang mga telecommunications, railways, expressways, airports, and shipping industries, na pinapayagan hanggang 100% ang foreign ownership.

Ayon naman kay Senator Franklin Drilon, inaamyenda ng bagong batas ang lumang Commonwealth Act No. 146 upang magbigay daan para sa muling pagbagon ng ekonomiya ng bansa.

Ngunit nilinaw nito na ang Republic Act 11659 ay hindi isinasalin sa deregulation ng public services, kasabay ng kanyang pagbibigay-diin na ang lahat ng ito kabilang na ang mga public utilities ay napapailalim pa rin sa umiiral na regulatory rules.