Bubuksan ngayong araw ng Linggo sa publiko ang burol ng namayapang business mogul at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.
Sa anunsyo ng pamilya, isasagawa ang public viewing sa Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa Quezon City mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Bukas naman, Hunyo 22, ililipat ang labi ni Cojuangco sa family chapel sa bayan ng Paniqui, Tarlac.
Sa darating naman na Hunyo 25, dadalhin naman ito sa Tarlac Provincial Capitol.
Noong Hunyo 16 nang pumanaw si Cojuangco dahil sa pneumonia at heart failure sa St. Luke’s Medical Center.
Si Danding ay dating chairman at CEO ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking food and beverage company sa Southeast Asia.
Dati siyang naging ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos at naging dating governor ng Tarlac.
Si Danding ay naging chairman emeritus ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung saan naging founder ito ng partido noong 1992.