Maaaring masilayan ng mga fans ng beteranong komedyanteng si Gary Lising ang labi nito sa huling pagkakataon
Batay sa impormasyon, ito’y ayon sa anak ni Lising na si Aaron Gary o “Bugsy” kung saan magsisimula ang public viewing sa Christ the King Parish sa Quezon City bukas.
Hindi pa rin naman nabanggit ang tunay na sanhi ng pagpanaw ni Lising sa edad na 78.
Gayunman, taong 2009 nang na-cardiac arrest ang komedyante at nasundan noong 2012 kung saan kinailangan niyang sumailalim sa ilang beses na angioplasty o ‘yaong operasyon upang maibalik ang daloy ng dugo sa artery..
Una rito, inihayag ng only son na si Bugsy na natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng kanyang ama sa kanyang condo unit nitong Mayo 31.
Pinuntahan niya raw ito matapos na hindi sumasagot sa kanyang mga text at tawag.
Ang Ateneo graduate na si Lising ay nakilalala sa pagbibitaw ng mga “green jokes.â€
Kabilang sa mga kinatampukan niyang comedy films ay ang “Run Barbi Run” at “Alyas Boy Tigas” noong dekada ‘90.
Nakagawa rin dito ng nasa 17 libro, kabilang dito ang “Golf, Erap and Other 4-Letter Words;” “Marcos In Red, Cory In Yellow, Ramos In Blue, Erap In Peach, Gloria In Excelsis;†“Everything You Wanted to Know About Sex But Were afraid to Ask Your Children;†at “Confessions of a D.O.M. (Delightful Old Man).â€