BUTUAN CITY – Nag-aantay lamang ng go signal ang militar mula sa mga ka-anak ni Myrna Sularte o Ka Maria Malaya kung kailan bubuksan para sa public viewing ang lamay nito sa isang pribadong punerarya nitong lungsod ng Butuan.
Ito’y habang pinuproseso pa ng mga ka-anak nito ang mga kinakailangang dokumento upang kanila nang mai-turn over para mabigyan ng desenteng libong.
Ayon kay 1st Lt. Ian Lalata, ang Civil Military Operations o CMO officer ng 30th Infantry Battalion, Philippine Army, mag-a-assist sila sa pangangailangan ng pamilya at magbibigay din ng seguridad sa kanyang lamay hanggang sa kanyang paglibing.
Sa ngayo’y off-limits muna sa media ang lamay sa rebeldeng lider na napatay sa engkwentro sa bukiring bahagi ng Sitio Imelda, Brgy. Antongalon nitong siyudad kahapon.