-- Advertisements --

Binubuo na ng Commission on Elections ang mg guidelines para sa plano nitong pagsasapubliko sa mga election-related documents na ipapasa ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, naatasan na ang Comelec Legal Department at Information Technology Department na bumuo ng mga policy guidelines upang matiyak na hindi malalabag ang privacy ng mga kakandidato.

Kabilang sa mga pinaplanong i-post sa COMELEC website ay ang certificate of candidacy (CoC), statement of contribution and expenditures (SOCE) at ang certificate of nomination and acceptance (CONA).

Aniya, maaaring ma-access ng publiko ang nilalaman ng mga ito sa pamamagitan ng website ng komisyon.

Ang SoCE aniya ay magbibigay din ng kumpletong larawan sa publiko upang makita kung saan nagmumula ang pondo at kung ano ang ginagamit na pondo ng mga tumatakbong kandidato.

Inirekomenda rin ni Garcia ang posibilidad ng pag-download sa mga SOCE.

Ayon kay Garcia, sa ganitong paraan ay magbibigyan ang publiko ng akmang kaalaman ukol sa personalidad ng mga tumatakbong kandidato.