-- Advertisements --
image 447

Hindi iniingganyo ng Department of Health (DOH) ang pagbili ng mga frozen egg dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Kaugnay nito, naglabas ng babala o abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagbili ng frozen eggs dahil posibleng may dala itong bacteria na maaaring magdulot ng sakit.

Paliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maaaring pamugaran ng mga organismo kapag nasa extreme temperature ang itlog na maaaring makasama sa ating katawan at may mga partikular din na bacteria na madaling makakontaminado sa itlog.

Bagamat hindi naman aniya lahat ng itlog ay maaaring makontaminado sa oras na ito ay maging frozen, subalit ang banta ng kontaminasyon na nandiyan pa rin.

Sa halip hinimok ng DOH official ang pagbebenta ng sariwang mga itlog upang maiwasan ang masamang epekto ng frozen egg para na rin sa kaligtasan ng ating mga kababayang mamimili.