-- Advertisements --
Nagbabala ang Office of the Vice President sa publiko hinggil sa mga tao o grupo na gumagamit sa pangalan ng OVP.
Partikular na rito ang mga nagpapakilalang konektado o empleyado ng nasabing tanggapan.
Napaulat kasi kamakailan na may ilang mga indibidwal ang nagpapakilalang kinatawan ng OVP upang makapambiktima.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng OVP ang publiko na makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong opisina at empleyado
ng kanilang ahensya upang hindi mabiktima.
At kung may nalalaman silang impormasyon hinggil sa kaduda-dudang transaksyon na ginagamit ang OVP, ay i-report ito sa OVP hotlines o sa pinakamalapit na police station.