Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko hinggil sa mga phishing scams na nagpapanggap na mga bahagi ng e-wallets.
Ayon kay CICC Director Alexander Ramos, ang ahensya ay nakadiskubre ng bagong modus kung saan ang mga users ay nakatatanggap ng mga text messages na kailangan umano i-update ang kanilang mga accounts gamit ang isang link na galing daw sa mga e-wallets.
Dagdag ni CICC Director Ramos na kung pipindutin ang link na ito ay magkakaroon na ng access ang mga scammers sa mismong account ng mga users. Iniugnay din nila ito sa mga lumaganap na POGO scam centers kung saan nagbago rin ang technique ng mga scammers.
Kaugnay nito, patuloy na hinimok ni CICC Director Ramos na maging maingat at mapagmatyag sa paggamit ng e-wallets lalo na ngayong paparating na ang holiday season.