Tiniyak ng isang kongresista na ang publiko ang makikinabangan sa pagsusulong ng general tax amnesty na sakop ng Tax Acceleration for Inclusion (TRAIN) Law 1-B.
Sinabi ni House Deputy Speaker Raneo Abu na maituturing na “welcome development†sa mga Pilipinong nagbabayad ng buwis ang pagkapasa ng naturang panukala sa first reading ng House Committee on Ways and Means.
Lahat aniya ay makikinabang sa panukalang ito mula sa ordinaryong mamamayan na hirap mabayaran ang estate tax ng kanilang namayapang mahal sa buhay.
Sa ilalim kasi ng TRAIN 1-B, pasisimplehin na kasi ang proseso sa pagbayad ng mga hindi nabayarang buwis, kasama na ang penalties at surcharges dito.
Iginiit ng kongresista na maging ang mga negosyante ay makikinabang din sa panuakalang ito.
Paliwanag ni Abu, mabibigyan ng pagkakataon ang isang tax payer na linisin ang kanilang mga record sa mga hindi nababayarang buwis, sinadya man o hindi.