Sa kabila ng bahagyang paglobo ng utang ng bansa, siniguro ng Bureau of Treasury na walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil sa ngayon ay manageable pa ito.
Ang naturang pahayag ay ginawa ng ahensya matapos na sumampa sa P15.80 trillion ang kasalukuyang utang ng Pilipinas noong September ng taong ito.
Ito ay mas mataas ng 11.4 percent kumpara sa naitalang utang noong parehong buwan ng nakalipas na taon na umabot lamang sa P14.27 trillion.
Sinabi ng ahensya na ang malaking bahagi ng utang ay sa loob ng bansa.
Inihalimbawa pa ng Bureau of Treasury ang lokal na fundraising na nagbigay ng oportunidad sa mga local bond market na nagbibigay rin ng oportunidad sa mga Pilipino na tuluyang makapag invest.
Ayon sa ahensya, ito ay magbibigay ng matatag na pananalapi sa bansa sa gitna ng mga kinakaharap na hamon.