-- Advertisements --
image 596

Sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon, todo ng panghihimok ng National Water Resources Board (NWRB) sa publiko para magtipid ng tubig.

Ayon kay NWRB executive director Sevillo David Jr, malaki ang maitutulong ng pagtititpid ng tubig para mapigilang maulit ang naranasan noong taong 2019 kung saan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Luzon ay bumagsak ng hanggang 116 metro.

Noong 2019, kakaunting mga pag-ulan lamang dulot ng mga bagyo ang pumasok sa bansa. Bilang resulta, nakaranas ang bansa ng pinakamababang antas ng tubig na nagmumula sa Angat Dam noong Hunyo at Hulyo ng nabanggit na taon.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga ahensiya gaya ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at National Irrigation Administration (NIA) ay naatasan na humanap ng iba pang sources o mapagkukuhanan ng tubig para mabawasan ang epekto ng El Niño.

Mas mainam aniya na habang maaga pa lamang ay mapangasiwaan na at makapagtipid ng suplay ng tubig at makapaghanda ng sapat na suplay na kinkailangan ng mga residente.

Bagamat nananatiling mas mataas sa 180-meter minimum operating level ang antas ng tubig sa dam, kinakailangan pa rin aniya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang mga paghahnda para sa posibleng maranasan na El Niño sa bansa sa Hunyo at Hulyo.