Hinikayat ng Energy Department ang publiko partikular ang mga motorista at mga nasa transport group na gamitin ang kanilang “power of choice” sa gitna ng mapaglarong presyo ng oil products.
Inihayag ni Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) na dapat sanang magkaroon ng pamamaraan para patuloy na makatipid ng produktong petrolyo.
Dito ani Romero papasok ang “power of choice” na kung saan, maaaring makapili ang mga gas consumers ng mga istasyon ng gasolina na mas mura ang halaga kaysa sa iba.
May webpage aniya ang DOE na dito ay makikita ang listahan ng mga gasolinahan na nagbibigay ng discount na pumapalo sa piso hanggang apat na piso.
Bagama’t may rollback aniyang inaasahan ay hindi naman batid kung ano ang mangyayari sa susunod gayung hindi aniya naman natin kontrolado ang pangyayari sa international market.