-- Advertisements --

Hinikayat ng Simbahang Katolika ang publiko na makibahagi ngayong araw sa tinatawag na Red Wednesday.

Ang nasabing programa sinimulan pa noong 2016 ng charity group na Aid to the Church in Need (ACN) kung saan layon nito ay para mabigyan ng pagkilala ang mga Kristiyano sa buong mundo na inaapi dahil sa kanilang pananampalataya.

Isinusunod ang nasabing programa tuwing Miyerkules pagkatapos ng pagdiriwang ng Solemnity of Christ the King.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na siya ring dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na mahalagang ipakita ng mananampalataya ang pakikipagsimpatiya sa mga kapwa Katolika na patuloy na kinukutya ang kanilang paniniwala.

Dahil sa lahat ng simbahang Katolika sa bansa ay mag-iilaw ng kulay pula ay nanawagan si Villegas na magsindi ng kulay pula na kandila o pailaw na kulay pula sa kani-kanilang mga bahay.

Paglilinaw nito na walang bahid na pamumulitika ang nasabing programa.