-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Hinikayat ni Dr. Francisco Sarmiento III, Program Manager ng Philippine Network Organ Sharing (PhilNos) ang publiko na panatilihin ang tiwala sa sistema ng PhilHealth sa kabila ng mga kinakaharap na kontrobersiya.
Aniya, hindi naman sa PhilHealth ang mismong pinagmulan ng problema kundi dahil sa mga tiwaling nasa labas na nadadamay ang iba.
Dahil dito, naging higit daw na kawawa ang mga pasyente noon dahil inalis na ang dialysis accreditation kung kaya’t napipilitan na maghanap ng ibang dialysis clinic ang mga pasyente.
Hinikayat din ni Sarmiento, ang publiko na hangga’t maaari ay panatilihin ang tiwala sa PhilHealth dahil sa magandang intensiyon at layunin nito maski ito ay inaaabuso na ng mga nasa labas.