-- Advertisements --
Patuloy na hinihikayat ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority ang publiko na makiisa sa kanilang isinusulong na tamang paraan sa pagtugon sa mga basura.
Ang inilahad ng ahensya dahil samu’t saring mga basura raw ang hinahakot ng mga kawani ng MMDA partikular na sa Manila Bay na inaanod sa dalampasigan pagkatapos ng pag-ulan noong mga nakaraang araw.
Ilan sa kanilang mga nakolekta ang mga plastic bag, plastic bottle, styrofoam, kahoy, kawayan at iba pa.
Ang nasabing basura ay inaabot daw ng matagal bago matunaw kung kaya’t pinapayuhan din ng MMDA ang mga Pilipino na kung maaari ay mag-reduce, reuse at recycle para hindi na ito maging dahilan ng pagbabara sa mga daluyang tubig at hindi na mag sanhi ng pagbaha sa kanilang lugar.