Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development ang publiko na kaagad na iulat ang anumang masasaksihang karahasan laban sa mga bata at kababaihan.
Ginawa ng ahensya ang pahayag bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, kailangang hindi maramdaman ng mga kababaihan na sila ay walang kasama at nag-iisa.
Aniya, ang anumang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay maaaring iulat sa Philippine National Police , National Bureau of Investigation, PAO, Council for the Welfare of Children Makabata Helpline at maging sa barangay VAW Desk.
Batay sa datos, aabot na sa 1,069 ang biktima ng VAWC ngayong taon kabilang na dito ang iba pang mga kaso ng pang-aabuso.