-- Advertisements --
Percy Lapid

Inihayag ng ilang senador na maaari pa ring mag-rebound ang mga awtoridad kahit nawalan sila ng mahalagang link sa pagpatay sa broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Ito ay may kaugnayan sa pagkamatay ng sinasabing middleman sa loob ng New Bilibid Prison.

Nagpahayag pa rin ng pag-asa ang ilang mambabatas na mabibigyang hustisya ng mga alagad ng batas si Mabasa, na pinatay sa Las Piñas noong Oktubre 3.

Anila, trabaho ng kapulisan, Department of Justice, kung saan under nila ang BuCor (Bureau of Corrections), na tingnan ang security protocol sa loob ng bilangguan.

Dapat aniya na walang makapuslit.

Kung maalala, isinailalim sa indefinite suspension si BuCor Director General Gerald Bantag para bigyang-daan ang “patas at walang kinikilingan na imbestigasyon” sa pagkamatay ni Crisanto Villamor Jr., 42, na nabilanggo dahil sa murder, attempted murder, at violating election gun ban laws.

Sinabi ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na kabilang si Villamor sa mga nakipag-ugnayan sa kanya at sa tatlong cohorts, na hanggang ngayon ay malaya, para patayin si Mabasa.

Si Gregorio Catapang Jr., Armed Forces chief of staff mula 2014 hanggang 2015, ang inirekomenda bilang BuCor officer in charge.