Hinimok ng PNP Joint Task Force COVID 19 Shield ang publiko na i-report sa mga awtoridad at lokal na pamahalaan ang mga maiingay sa kani-kanilang komunidad, ngayong nagsimula na ang online and blended learning.
Ito ang inihayag ni Task Force Commander P/LtG. Guillermo Eleazar kasunod ng kautusan ni Philippine National Police o PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan na paigtingin ang Police visibility sa mga komunidad upang hindi maistorbo ang online classes ng mga mag-aaral gayundin ang work from home ng ilang empleyado.
Ayon kay Eleazar,dalawang pulis ang magmamando sa ilalatag nilang Police Assistance Desk na siyang magbabantay kung nasusunod ba o hindi ang quarantine protocols sa mga Barangay
Umapela rin si Eleazar sa mga magulang at mismong ang mga mag-aaral na ipag-bigay alam sa kanila ang mga kapitbahay nilang maiingay at nakabubulahaw sa kanilang ginagawa
Maaari rin aniyang gamitin ang Social Media para i-report sa pamamagitan ng pagkuha ng video o larawan gamit ang cellphone sa mga makikitang quarantine violations tulad ng pag-iinuman sa pampublikong lugar, pagbi videoke at iba pang nakabubulahaw na gawain.