Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang publiko na manatiling mapagmatyag laban sa pagtaas ng online love scams sa bansa.
Iniulat ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 8 kaso ng online love scam noong Enero 2025 at 72 kaso noong nakaraang taon.
Nanawagan din ang senador sa mga tech expert at scammers na i-redirect ang kanilang mga kakayahan tungo sa mas positibo at produktibong layunin.
“Technology should be used to improve our lives, not make us suffer. Let’s put AI to good use!” ani Villanueva.
Kilala ang senador sa kanyang matibay na paninindigan laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), nabahala si Villanueva sa lumalaking ugnayan sa pagitan ng mga operasyong ito ng scam at POGO.
“This is exactly what we’ve been warning about from the beginning. These operations are evolving, but they still originate from the same sources,” saad ng senador.
Nananawagan si Villanueva sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Division na paigtingin ang mga pagsisikap nito laban sa mga love scammers at ituon ang pansin sa pagtuturo sa publiko kung paano matukoy ang mga scam.
“Education is key. We urge the PNP to double down on its efforts to help the public identify and avoid scams,” dagdag ni Villanueva.