-- Advertisements --
Nag-abiso ang Bureau of Plant Industry (BPI) at Bureau of Customs sa publiko laban sa pagbili ng malalaking sibuyas sa mga palengke dahil smuggled ang mga ito.
Ayon kay BPI Director Gerald Glenn Panganiban, posible kasing mayroong peticide at kemikal ang mga malalaking sibuyas na mapanganib sa kalusugan ng tao.
Kapag mapatunayang smuggled may karapatan aniya ang pamahalaan na kumpiskahin ang mga smuggled na produkto at gumawa ng kaukulang legal action.
Tiniyak naman ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista na kanilang babantayan ang farm gate price gayundin ang retail price sa mga palengke.
Sa Kadiwa market, ayon sa DA tumaas ang presyuhan ng sibuyas mula sa dating P150 sa P200 kada kilo.