Dahil sa naglipanang pekeng balita online hinggil sa National Identification Crad o National ID, muling binalaan ng PSA ang publiko.
Layon ng paalalang ito ng ahensya na mailayo ang publiko sa anumang banta ng fake news.
Kabilang sa mga maling impormasyon na kumakalat sa internet ang umano’y mga ayuda na ipapamahagi para sa mga National ID holders.
Kumakalat rin online na may bayad umano ang pagproseso sa national ID bagay na hindi naman totoo dahil libre ito.
Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), wala silang ipinapamahaging ayuda sa may mga hawak ng naturang ID.
Mangyari lamang aniya na ipagbigay alam sa kanila ang mga ganitong uri ng modus at tiyaking sa kanilang official social media channels lamang sumangguni kung may mga mahalagang katanungan.