Pinag-iingat ngayon ng Philippine Dermatological Society ang publiko hinggil sa paggamit ng IV Glutathione o gluta drip bilang mabisa umanong pampaputi sa balat.
Ginawa ng grupo ang babala matapos ang kumalat na video online ng isang babaeng nagbahagi ng kanyang experience matapos na magpaturok nito.
Batay sa paglalahad ng babae sa video, matapos niyang mag avail ng nasabing produkto ay nagkaroon siya ng impeksyon kinalaunan.
Dahil dito ay hindi na maimulat ng babae ang kanyang kanang mata habang humingi ng panalangin para sa kanyang mabilisang paggaling.
Ayon kay Dr. Maria Jasmin Jamora, Presidente ng Philippine Dermatological Society, ang IV Glutathione o Gluta Drip ay hindi aprubado ng Food and Drug Administration bilang pampaputi.
Mas mainam rin aniya na kumunsulta mula sa mga kilalang skin clinics para sa kanilang mga concern na may kinalaman sa balat.
Kung maaalala, sinabi ng FDA na ang glutathione injectable ay hindi ligtas dahil ito ay maaaring magdulot ng toxic side effects na siya namang dadadan sa mga ugat ng pasyenteng tuturukan nito.