-- Advertisements --
Nagbabala sa publiko ang National Authority for Child Care (NACC) na mag-ingat sa naglipanang grupo sa social media na iligal na nag-aalok ng serbisyo para sa pagproseso ng pagaampon ng bata.
Kaugnay nito, nannawagan ang ahensiya na agad i-report ang mga online pages at groups na nagsasagawa ng illegal adoption services.
Maaring ipagbigay-alam lamang sa kanilang ahensya, o i-report sa mismong online platform ang mga page o groups na nagsasagawa ng ganitong ilegal na gawain,
Samantala, maaari namang makipag-ugnayan sa natyrang ahensya at sa Regional Alternative Child Care Office (RACCO) para sa mga impormasyon tungkol sa legal na proseso ng pag-aampon at foster care.