-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC)-Northern Mindanao ang publiko sa bagong investment scheme na nagsimula nang mangalap ng mga kapitalista sa buong rehiyon.

Sa ipinalabas na advisory ng SEC, nagbabala ang ahensiya na mag-ingat sa pag-invest sa Yellowdot Transport Terminal Inc. na may konseptong “You Avail, We Manage, You Earn.”

Sa nasabing scheme, inoobliga ang miyembro na magbayad ng initial payment na P250,000 at monthly amortization na P30,000 upang makakuha siya ng sariling public utility vehicle o “millennial jeepney.”

Napansin din ng ahensiya na nag-alok ng mataas na profits o returns ang nasabing investment scheme sa halagang P55,000 hanggang P85,000 kada buwan.

Dahil dito, nagbabala ang SEC na kailangan maging listo sa mga uri ng investment method.