-- Advertisements --

Pinag-iingat ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang publiko laban sa mga fake social media account na gumagamit ng kanyang pangalan para manloko.

Sa isang pahayag, sinabi ni Abalos na ang naturang mga accounts na kanilang na monitor ay ginagamit ng mga scammer.

Partikular na tinukoy ng kalihim ang Facebook page na nakapangalan mismo sa kanya.

Aniya, dapat maging mapanuri ang publiko bago magtiwala sa mga accounts online.

Huwag din aniyang ibibigay ang mga personal na impormasyon lalo na kung hindi naman kilala at otorisado ang isang indibidwal na kumuha nito.