Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng Mindanao alas-6:46 ng gabi nitong Miyerkules, Pebrero 1.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 14 na kilometro sa hilagang silangan ng New Bataan, Davao de Oro.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol, ibig sabihin sanhi ng paggalaw ng isang aktibong fault malapit sa lugar na may lalim na 11 kilometro.
Intensity III ang naramdaman sa Davao City.
Naramdaman naman ang Intensity V sa Nabunturan, Davao de Oro; Intensity III sa Kidapawan City, Cotabato; Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Bislig City, Surigao del Sur; Intensity II sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, Libona at Malaybalay sa Bukidnon, Don Marcelino sa Davao Occidental, Abuyog sa Leyte, Cagayan de Oro sa Misamis Oriental, Malapatan, Glan, at Kiamba sa Sarangani, Norala, General Santos City, Koronadal City at Tampakan sa South Cotabato, at Tandag, Surigao del Sur; at Intensity I sa Alamada sa Cotabato, Baybay at Dulag sa Leyte, Cagayan de Oro sa Misamis Oriental, Maitum sa Sarangani, Suralla, Santo Nino, T’Boli, at Tantangan sa South Cotabato, at Saint Bernard sa Southern Leyte, Columbio sa Sultan Kudarat, at Surigao City sa Surigao Del Norte.
Inaasahan ang mga aftershocks at pinsala.
Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na manatiling mapagbantay dahil maaaring magkaroon ng aftershocks.