Nagbabala sa publiko ang Food and Drugs Administration (FDA) sa posibleng dulot ng pag-inom ng mga gamot para labanan ang coronavirus vaccines.
Kabilang na rito ang mga gamot na binili lang online o mula sa hindi otorisadong nagbebenta.
Hindi raw kayang siguruhin ng ahensya sa publiko na ligtas ang kalidad ng mga gamot na kanilang bibilhin lalo na kung hindi naman sumailalim ang mga ito sa evaluation at assessment.
Posible raw kasi na hindi ito nakaimbak ng maayos alinsunod na rin sa appropriate storage conditions kaya hind umano malayo na makompromiso ang stability ng gamot.
Binigyang-diin din ng FDA na lahat ng gamot at maaaring magdulot ng side effects at health problems kung hindi ito gagamitin base sa prescribed indication at dosage.
“These can pose serious health risks, hence, it is important to seek advice from physicians and pharmacists prior to use,” pahayag ng ahensya sa isang abiso.
Hinihikayat din nito ang mga pasyente, caregivers at publiko na kaagad isumbong ang mga hinihinalang adverse reactions o side effects kung iinom ng gamot laban sa nakamamatay na virus.
Maaari ring makipag-ugnayan ang mga pasyente sa kanilang mga doktor o pharmacists sakaling makaranas ng anumang medical change o pagbabago sa kanilang paggamot.