DAGUPAN CITY – Pinag-iingat ang publiko sa sakit na sore eyes ngayong tumitindi ang mainit na panahon.
Ayon sa mga doktor, ang sore eyes ay dulot ng virus o bacteria.
May dalawang klase ng sore eyes – ang viral conjunctivitis na nakukukuha tuwing malamig na panahon at ang bacterial conjunctivitis na umaatake tuwing mainit ang panahon.
Ilan sa mga sintomas ng sore eyes ang pamumula ng mata, pananakit at paghapdi ng mata, pagluluha at pagmumuta ng mata, pananakit ng lalamunan at runny nose.
Madaling maipasa ang sore eyes na maaaring tumagal ng sampu hanggang labing apat na araw.
Maaring maibsan ang sore eyes sa pamamagitan ng paggamit ng anti inflammatory at anti biotic eyedrops na inirekomenda ng mga doktor.
Nilinaw naman ng mga health experts na wala pang pag-aaral na nagpapatunay na nakakapagpagaling ng sore eyes ang ilang paniniwala gaya ng pagpatak ng ihi at gatas ng ina sa mata, at maging ang patak ng kalamansi bagkus ay maaring magdulot ng mas malalang impeksyon sa mata.
Ipinayo ng mga eksperto sa magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang lunas sa sore eyes.