-- Advertisements --

Nagbabala si Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman sa publiko laban sa sindikato na nagkukunwaring personnel o opisyal ng DBM.

Ginawa ni Sec. Pangandaman ang babala kasunod ng pagkakaaresto ng NBI sa pamamagitan ng entrapment operation sa walong indibidwal na nagpakilalang opisyal at konektado sa DBM noon Marso 26, 2024.

Ayon kay Pangandaman, agad na i report sa DBM sakaling may mga taong gumagamit ng kanilang tanggapan na nangangako na kaya nilang magpalabas ng pondo mula sa ahensya.

Nabatid na nadiskobre ng NBI na isa sa mga suspect ay nagpakilalang Undersecretary ng DBM na siya umanong nagmomonitor sa mga special projects ng ahensya.