-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government ang patuloy na paghahanda para sa posibilidad ng pagyanig at tsunami sa ilang rehiyon sa bansa.

Katuwang ng ahensya sa mga paghahanda ang mga lokal na pamahalaan mula sa Regions I, II, III, IV-A, at IV-B.

Ginawa ng ahensya ang pahayag sa kabila ng mga naitalang pagbaba ng pagyanig sa Manila Trench.

Pinayuhan rin ng ahensya ang publiko na maghanda sa posibleng muling pagdami ng mga pagyanig sa naturang trench.

Naniniwala ang DILG na kailangang tutukan ang pag-convene ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council.

Bilang bahagi ng paghahanda ay kailangan namang magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessments at pagpapatupad ng critical preparedness measures.

Bukod dito ay ipinag-utos ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga pangunahing evacuation routes, directional signs, at safe zones lalo na sa mga bulnerableng lugar.