-- Advertisements --
Isang araw bago sumapit ang Bagong Taon, maraming indibidwal ang sumugod sa pangunahing bilihan ng mga paputok sa Bocaue Bulacan sa kabila ng rekomendasyon ng mga awtoridad na gumamit na lamang ng mga ligtas at alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng 2024.
Sa ilang mga tindahan sa Bocaue, bumaba ang suplay ng ilang paputok, gaya ng kwitis (skyrockets), lusis, at ”sawa.”
Ito ay dahil sa pagdagsa ng mga taong bumibili ng paputok sa lugar.
May mga nagsabing bumiyahe sila sa Bocaue para makabili sila sa mas murang halaga.
Dagdag pa, may mga ibinebenta rin namang kung bultuhan na fireworks sa nasabing lugar.
Samantala, nagbabala ang mga awtoridad na ipinagbabawal ang pagbebenta ng paputok online at ito ay may kaukulang parusang pagkakakulong.