CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimok ng isang grupo ang publiko na hindi lulubayan ang kasalukuyang talakayan ng mga mambabatas ukol sa nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maipasang pambansang pondo na umaabot sa P6.35 trillion para sa 2025.
Ganito ang pagbigay paalala ni dating Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate kung saan kabilang ang kanilang grupo na nagmamatyag upang sakto ang ipapasa na halaga ng pondo na hiningi ng kada-tanggapan ng gobyerno para sa susunod na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayhag ni Zarate na ayaw nila na mayroong mga makalusot na unprogram funds at lalo na ang naglalakihang paghingi ng confidential at intelligence fundings sa mga tanggapan ng gobyerno na hind naman karapatdapat bigyan.
Bagamat hindi tinukoy ng dating mambabatas subalit patuloy na mainit ang usapin ng milyun-milyong intelligence at confidential funds na natanggap ni Vice President Sara Duterte mula kay Marcos na hindi niluayan kuwestiyonin ng ilang mga mambabatas lalo’t on going ang 2025 budget hearing deliberations.
Magugunitang kumpara sa taong 2024,mas tumaas ng 10 porsyento ang hiningi na pondo ng administrasyon mula sa P5.76 trillion kaysa P6.35 trillion para sa 2025.