-- Advertisements --

Pumanaw na ang Puerto Rican actor na si Kamar de los Reyes sa edad 56.

Ayon sa kaniyang publicist na nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Los Angeles dahil sa pakikipaglaban sa cancer.

Isinilang ang actor sa San Juan, Puerto Rico at lumaki sa Las Vegas bago noong dekada 80 ay lumipat sila sa Los Angeles.

Gumanap siya sa bilang Chicano boxer na si Pedro “Roadman” Quinn sa off-Broadway play na “Blade to the Heat” noong 1994.

Ang kaniyang major role ay ang long-time soap opera na “One Life to Live” mula 1995 hanggang 1998.

Taong 2012 ng gumanap siya bilang Raul Menendez sa sikat na video game na “Call of Duty: Black Ops II” hanggang sa “Call of Duty” Vanguard”.

Naulila niya ang kaniyang asawang si Sherri Saum at mga anak na sina Caylen, Michael at John.