-- Advertisements --

Pumanaw na ang Puerto Rican boxer na si Paul Bamba sa edad na 35, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamilya at manager. Anim na araw matapos manalo si Bamba ng WBA Gold ngunit hindi pa inihayag ang sanhi ng kanyang ikinamatay.

Sa isang pahayag, ipinahayag ni Ne-Yo ang matinding kalungkutan at inilalarawan si Bamba bilang isang ‘minamahal na anak, kapatid, kaibigan, at kampeon sa boksing’. Pinuri rin ni Ne-Yo si Bamba na may matinding ambisyon at tiwala sa sarili, binigyang-diin din ng singer na higit pa sa tagumpay sa ring ang ‘husay na ipinakita ni Bamba’ na nagbigay inspirasyon sa iba na natatanging dedikasyon at determinasyon.

Si Bamba, na may professional record na 19 panalo at 3 talo, na may 18 knockouts, ay nagkaroon ng kamangha-manghang taon, nanalo sa lahat ng 14 niyang laban.

Ang kanyang huling tagumpay ay nang matalo niya si Rogelio Medina mula sa Mexico sa New Jersey upang makuha ang WBA Gold Cruiserweight belt.

Sa kanyang huling post sa Instagram, nag-reflect si Bamba sa kanyang paglalakbay at nagsulat, ‘This year I set out with a goal. I did just that. Wasn’t easy, there were many obstacles that I adapted to, overcame, and kept on the path we set regardless of extenuating circumstances,’ mensahe ni Bamba.