-- Advertisements --

Patay ang lahat ng pasaherong at crew sakay ng isang private jet matapos mag-crash sa Las Americas airport sa Santo Domingo, Dominicam Republic.

Ayon sa Helidosa Aviation Group, anim sa mga pasahero ay foreign nationals at isa naman ang Dominican habang dalawang crew members ang namatay sa insidente.

Kabilang sa mga nasawi ang Puerto Rican music producer ng Flow LA Movie na si Jose Angel Hernandez kasama ang kaniyang partner na si Debbie Von Marie Jimenez Garcia kasama ang kanilang anak.

Napag-alaman na patungo sa Florida mula La Isabela International Airport sa Dominican Republic ang naturang private jet ng ito ay mag-emergency landing at nag-crash 15 minuto lamang ang nakalilipas mula ng ito ay mag-takeoff.

Inaalam pa ang dahilan ng pagsabog o dahilan ng emergency landing ng eroplano.