Idineklara ni Juan Manuel “Juanma” López (36-6-1, 32KOs) na tuloy na ang pagsabit niya ng kanyang boxing gloves at kailanman ay hindi na lalaban muli.
Ang Puerto Rican star ay inabot din ng 15 taon kanyang 43 professional fights.
Kabilang sa naging highlight sa kanyang career ay nang maibulsa ang korona sa dalawang dibisyon sa 122 at 126 pounds.
Mula pa sa pagiging amateur boxer kung saan ito namayagpag bilang pambato ng Puerto Rico noong 2004 Athens Olympics hanggang noong taong 2005 sa kanyang boxing debut nang magtala ng sensational first round knockout laban kay Luis Daniel Colon.
Mula noon hanggang 2008 ay nagningning ang kanyang career hanggang sa maagaw niya ang korona nang ma-KO ang Mexican champion na si Daniel Ponce de León.
Inabot pa ng limang beses nang kanyang matagumpay na madepensahan ang korona.
Noong 2005 nagawa niyang maitumba si Luis Daniel Colón sa first round nang masungkit ang 126 pounds belt.
Lalo namang kinilala ng husto si Lopez, 36, sa taglay na power punch sa super bantamweight division.
Sa kabila nito, dumating sa kanyang buhay ang Mexican champ na si Orlando Salido na dalawang beses na pinahiya siya gamit ang TKO wins.