-- Advertisements --
Nagdeklara na ng state of emergency ang Puerto Rico bilang paghahanda sa Tropical Storm Dorian na posibleng maging hurricane sa loob ng 24 na oras.
Naglabas na rin ng hurrican watch at tropical storm warning sa Puerto Rico at Dominican Republic ang National Hurricane Center (NHC).
Naglagay din sila ng babala sa isla ng Martinique, Saba at St. Eustatius.
Sinabihan na rin ni Puerto Rican Governor Wanda Vazquez Garced ang may 3 million mamamayan nito na maghanda.
May dalang 85 kilometer per hour ang nasabing bagyo.
Taong 2017 ng matinding tamaan ng Hurricane Maria ang Puerto Rico.
Tiniyak din ni US President Donald Trump na nakahanda ang kanilang gobyerno para tumulong sa Puerto Rico.