BACOLOD CITY – Balik kulungan ang isang pugante sa Escalante City, Negros Occidental matapos mahuli ng mga pulis sa lungsod ng Sagay.
Si Perlito Sico ng Purok Paglaum, Barangay Balintawak, Escalante City ay nakatakas sa Bureau of Jail Management and Penology noong Oktubre 16 ng gabi matapos nitong akyatin ang pader ng kulungan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Major Antonio Benitez, hepe ng Sagay City Police Station, humingi sa kanila ng tulong ang BJMP Escalante matapos namataan sa lungsod si Sico.
Dahil dito, nagsagawa ng dragnet operation ang Sagay City Police Station at nakita si Sico sa Agila St., Barangay Poblacion, alas-7:40 ng umaga ng Miyerkules.
Hindi naman nanlaban pa ang pugante nang hulihin ito ng mga pulis.
Agad namang itinurn-over sa BJMP Escalante si Sico.
Ang escapee ay humaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act at violation ng Comelec gun ban.