-- Advertisements --

Inaresto ng pamunuan ng immigration operatives sa pakikipag tutulungan ng Philippine National Police Intelligence Group (PNP-IG) at San Pablo City Police Station ang puganteng hapon na si Sasaki Takashi, 43 taon gulang sa San Pablo City, Laguna nitong araw ng Lunes, Enero 27.

Wanted si Takashi sa Japan dahil sa pagnanakaw umano at may kasong fraud na target ang mga indibidwal, kabilang ang mga matatandang biktima.

Ayon sa ulat, si Takashi ay kasapi ng “Luffy” gang, isang kilalang sindikatong kriminal mula sa Japan na umano’y sangkot sa mga scheme ng telecom fraud at extortion sa Pilipinas.

Pinaratangan din ang puganteng hapon na nagnanakaw ng mga ATM cards at impormasyon sa mga bangko mula sa matatandang biktima nito sa pamamagitan umano ng pagpapanggap bilang mga law enforcement o finance official.

Nakipag-ugnayan naman na ang BI sa PNP at San Pablo City Police para sa pagkakahuli kay Takashi.

Samantala taong 2023 ng buwan ng Enero ng ibaba kay Takashi ang warrant of arrest nito sa Japan ng Tokyo Summary Court.

Pahayag naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang presensya ni Takashi sa Pilipinas ay nagdudulot ng panganib sa seguridad ng komunidad at nagpapahina sa layunin ng bansa na panatilihin ang kaayusan.