-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Korean national na sangkot sa multi million cyber prostitution case sa kanilang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jamie Morente, ang suspek ay kinilalang si Park Seonghyeok, 47-anyos na naarestor sa kanyanbg condominium residence sa Taguig City.

Sinabi ni Moretente na subject umano ang Koreano sa arrest warrant na inisyu ng Daejeon district court sa South Korea.

Lumalabas na aabot sa 21 billion won o $17.7 million na katumbas ng P885 million ang kinita ni Park at kanyang mga kasabwat dahil sa prostitution racket.

Sa mga impormasyong nakalap ng national central bureau ng Interpol sa Manila, humaharap ang kaso ang banyaga sa kanilang bansa dahil sa paglabag daw sa batas nila kaugnay ng pagiging bugaw nito para sa commercial sex.

Noong June 2014, si Park at kanyang mga kasabwat ay gumawa ng Internet website na nag-aadvertise ng mga larawan at profiles ng mga sex workers kabilang na ang presyo ng mga ito.

Kailangan naman daw magbayad ng mga customers kapalit ng sexual services.

Nakapag-advertise pa raw si Park sa Internet ng 2,000 brothels o sex den na puwedeng puntahan ng mga customers o mga mahihilig sa panandaliang kaligayahan.