-- Advertisements --

Nahuli na ang puganteng pinoy na kinilala na si Evan Jessie y Yorong Sabilla o kilala rin sa pangalang Eddie Jessie Sabilla ito’y matapos mag-isyu ang Interpol ng Red Notice para sa pag-aresto nito sa Thailand.

Si Sabilla ay nahaharap sa mga kasong syndicated estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 1 ng Presidential Decree No. 1689. Ang kasong ito ay may kinalaman sa fraud dahil tinganay umano ni Sabilla ang nasa P77 million na halaga ng mga produkto noong Marso hanggang Mayo nang taong 2023.

Ayon sa Interpol Red Notice, si Sabilla ay nagpapanggap bilang financial manager ng isang kumpanya na nagbebenta ng mga produkto sa mas mababang presyo kaysa sa itinakdang retail price.

Pinamahalaan din niya ang mga financial operations ng kumpanya para makapanloko sa mga nabiktima nito.

Napagalaman ng Police Attache ng Philippine Embassy sa Thailand, na si Sabilla ay nagtatrabaho bilang isang mang-aawit sa Phuket, Thailand.

Hindi pa malinaw kung gaano ito katagal sa bansa. Bago siya maaresto.

Na huli si Sabilla matapos matukoy ng mga awtoridad ang flight itinerary nito papuntang Bangkok at pagkatapos ay nagtagal ng ilang araw sa Hong Kong.

Nakatakda rin siyang umalis patungong Singapore, ngunit nag stop over sa Bangkok. Kung kaya’t ipinagbigay-alam ng Royal Thai Immigration Police at Singapore Immigration Authorities ang kaniyang kalagayan.

Pagdating ni Sabilla sa Singapore, dito ay nahuli siya at ipinaalam ng mga awtoridad ang tungkol sa Interpol Red Notice at ang kanyang status bilang isang pugante.

Habang inaasikaso naman ang deportation process ni Sabilla ng Interpol Bangkok kasama ang Foreign Affairs Division ng Royal Thai Police at Immigration Bureau.

Si Sabilla ay ibinalik muna sa Thailand noong Marso 1 at nakatakdang ideport pabalik sa Pilipinas ngayong Marso 2, 2025 habang ang National Bureau of Investigation (NBI) ang hahawak sa kaso nito.