-- Advertisements --

Inaabangan na ang pagdating sa bansa anumang oras ngayong araw ang puganteng si Ardot Parojinog mula sa Taiwan.

Una nang kinumpirma ni PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde na nagtungo na sa Taiwan ang 3 men PNP team na binubuo ng mga operatiba ng Directorate for Intelligence, CIDG at Intelligence Group para sunduin si Ardot.

Tiniyak naman ni PNP spokesman PSSupt. Benigno Durana ang seguridad ni Ardot sa oras na i-turn over ito sa PNP ng mga Taiwanese authorities.

Si Ardot ay inaresto ng mga Taiwanese authorities noong Mayo, dahil sa illegal na pagpasok sa bansa.

Sa kanyang pagbalik sa Pilipinas ay kakaharapin ni Ardot ang kasong illegal possesion of firearms and explosives at illegal drugs.

Si Ardot ay kapatid ni dating Ozamiz mayor Reynaldo Parojinog Sr. na napaslang matapos manlaban sa mga pulis na nagsilbi ng warrant sa compound ng mga Parojinog sa Ozamiz city noong nakaraang taon.

Pansamantala namang mananatili sa kustodiya ng PNP si Ardot habang hinihintay ang commitment order ng PNP.

Nabatid na nagbayad na lamang ng “fine” si Ardot para hindi na nito tapusin ang kaniyang tatlong buwang pagkakakulong sa Taiwan