Nahuli at naarestong muli ng Bureau of Immigration (BI) ang isang high-profile South Korean fugitive na siyang nakatakas nito lamang nakaraang linggo.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, naarestong muli si Na Ikhyeon sa Barangay Pampang sa Angeles City, Pampanga habang ikinakasa ang isang follow-up operation ng BI Fugitive Search Unit ng ahensya.
Kasama sa nasakote ng BI ay ang isa pang South Korean na siya namang hindi umano’y tumulong para makatakas si Na sa kustodiya ng BI.
Matatandaan namang naaresto si Na noong Mayo ng taong 2023 kung saan nadelay pa ang deportasyon nito dahil sa isinampang kaso sa kaniya na may kaugnayan sa estafa.
Samantala, nakatakas naman ang pugante nitong Marso 4 habang nagaganap ang pagdinig tungkol sa estafa case nito.
Lumabas sa imbestigasyon na katakas ang suspek sa pamamagitan ng isang court restroom.